Melai tinalbugan ang big stars sa Pinas | Ma’am Chief: Shakedown in Seoul Premiere Night

melai cantiveros

Melai Cantiveros kasama ang 2 niyang bodyguard mula sa South Korea


Sobrang sosyal at bongga ng vibes ni Melai Cantiveros sa naganap na presscon at premiere night ng kanyang pelikula na “Ma’am Chief: Shakedown in Seoul.”

Parang mas pinatindi pa niya ang mga sikat na artista sa Pilipinas dahil sa sobrang alaga at pansin na ibinigay sa kanya ng PULP Studios, ang producer ng kanyang pelikula. Sa presscon at premiere night, kasama ni Melai ang dalawang bodyguard na daw na galing pa mismo sa South Korea!

At talagang ramdam na ramdam ng mga tao sa events ang presence ng mga bodyguard ni Melai dahil todo-bantay sila sa bawat galaw ng komedyana.

ADVERTISEMENT

“Galing mismo sa Korea ‘yan, ipinadala ni Inang Reyna (ang tawag niya sa producer na si Happee Sy-Go) para maging bodyguards ko. Pero mas parang ako pa yung bodyguard. Nakakahiya! Sinusundan nila ako kahit saan ako magpunta.

Sobrang gwapo ng mga bodyguard ko, grabe. First time ko magka-bodyguards.

Sabi ko, ano bang nangyayari? Bakit kelangan nila bantayan mukha ko? Mas mukha pa nga akong tanod sa kanila. Ha-hahaha!” ang tawa nang tawa na kuwento ni Melai sa interview ng ilang members ng entertainment media.

Sabay sabi ni Happee, ang film producer, na talagang bet na bet niya si Melai, kaya naman superstar level ang trato niya sa asawa ni Jason Francisco.

Melai Cantiveros Star- Studded Premiere Night

melai cantiveros

“I really love her lively personality. Kasi, ‘yon ang essence ng ‘Ma’am Chief,’ eh. You have to know when to work hard and party harder.

“We are so blessed and proud to have her with us. She basically represented ‘Ma’am Chief,’ and she’s the glue that really kept the entire cast together, making them all happy.

“The entire shoot, walang away, walang drama! It was all good vibes. Wala kaming delay, dahil laging on time ang mga artista.

“Mahirap in the beginning, but because of everyone trying to make a difference in this industry, nagtulong-tulong lahat. So, sobrang laugh trip na lang!” kwento pa ni Happee.

And the best part is, nakakuha pa sila ng special appearance sa pelikula ni Melai ng mga sikat na Korean stars tulad nina Do Ji Han at Lee Seung-gi.

 

ADVERTISEMENT

“Basically, it was all… kasi po, PULP Studios has been in the industry for a while na, especially in K-Pop. So, we use friendship, hahahaha. Tulong-tulong na lang,” says Happee.

Melai Cantiveros, on the other hand, expresses gratitude to the Lord for the numerous blessings she continues to receive. “Ako talaga, sinasabi ko, si Lord talaga ‘to kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala,” says Melai Cantiveros.

“Inang Reyna (Happee), habambuhay ka po naming ipagdarasal ng buhay mo at ng pamilya mo,” dagdag pa niya.

Samantala, nagkwento rin si Melai Cantiveros sa kanyang naging karanasan habang kinukunan ang kanilang pelikula sa South Korea kasama ang ilang Korean production staff.

“Hindi sila nag-uusap na parang kunin mo ‘yung kwan, kunin mo ‘yung ganito wala. Titingnan lang nila,” aniya.

Hindi rin daw nakakawawa tingnan ang mga utility doon dahil mas glass skin pa raw ang mga ito kesa sa kanya, “Dito sa atin, pagkatapos ng trabaho, makikita mo ‘yung mga utility, nakatsinelas lang tapos antok na antok, naaawa ka.

“Sa kanila, hindi ka maaawa, glass skin pa ang mga pisti. Mas glass skin pa sa ‘yo. Ang guwapo pa rin nilang tingnan parang silang mga oppa!” chika pa ni Melai Cantiveros.

Patuloy pa niya, “Nainggit ako doon sa klase ng disiplina at ‘yung respeto nila, at ‘yung oras ng trabaho. Doon pa lang, gaganahan ka na mag-trabaho kung ganoon ‘yung oras ng work mo.

“Hindi naman sa ano, kumbaga sinasabi ko lang ‘yung experience ko doon sa pagsu-shoot ko doon sa Korea. Baka mamaya ma-quote quote na naman tayo.

“Pero reality kasi ‘yon. Wala naman tayong compare compare sinasabi ko lang ‘yung experience ko doon na dinala ko rin dito,” say ng TV host.

Leave a Reply