Awra Briguela Comedy Island Movie

Awra Briguela, ng iingay ulit  sa social media maaalalang siya ay dinakip at nakulong: ngayon ay nag iingay sa social media ang influencer na si Awra at todo promote ng kanyang bagong serye.

Maalalang ngbigay pansin ang pagkaka-aresto ni Awra noong June 29 ng madaling araw matapos saang rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati City. Ayon sa ulat, itinanggi ni Awra na hindi nito ginusto ang kaganapan, bagkus, ipinagtanggol lamang umano niya ang mga kaibigang babae mula sa isang lalaking nanghipo.

Gayunpaman, ayon sa CCTV footage mula sa bar, lumitaw ang tunay na pangyayari sa pagitan ni Awra at ng lalaking si Mark Christian Ravena. Ayon sa mga tauhan ng bar, humiling daw ang grupo nina Mark ng isang larawang magkakasama sila ni Awra. Subalit, ayon sa ulat, hiningi umano ni Awra na maghubad muna ng kanyang pang-itaas ang lalaki bago pumayag na magpakuha ng larawan.

Sa isang video clip, kitang-kita kung paano hinatak ni Awra ang t-shirt ni Mark hanggang sa sila’y matumba, anuman ang pagsisikap ng mga bouncer na pigilan ito. Ang pangyayari ay nauwi sa isang rambulan at sa wakas, napilitan ang mga bouncer na alisin ang mga nakaaway.

Dahil sa pangyayaring ito, naharap si Awra sa mga kaso ng physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault.

Ngunit noong July 1, nagawa ni Awra na magpiyansa sa halagang P6,000 at sa wakas ay nakuha na ang kanyang kalayaan.

awra

Matapos ang mahigit isang buwan, nagpakita ng mga senyales sa social media ang kilalang actress-comedienne na si Awra Briguela.

Bagamat nananatiling tahimik ang kanyang panig hinggil sa nangyaring gulo, puspusan naman ang kanyang promosyon sa kanyang bagong proyekto na tampok na tampok ngayon.

Ipinakilala niya sa kanyang Instagram ang kanilang bagong series na may pamagat na “Comedy Island Philippines.”

Sa kanyang caption, sinabi niyang, “Handa na kami para sa #ComedyIslandPH! Agosto 31, ekslusibo sa Prime Video lamang.”

Sa isang makulay na poster, makikita ang mga kapwa niyang bida sa proyekto tulad nina Andrea Brillantes, Carlo Aquino, Rufa Mae Quinto, Jerald Napoles, Drew Arellano, Cai Cortez, at Justine Luzares.

Leave a Reply